Madalas na pag-ihi, hirap sa tulog, masakit na pantog, o nagkakaedad ka na at gusto mong maiwasan ang problema sa prostate — importante na alam mo rin kung anong mga pagkain ang dapat iwasan.

Kasi kahit gaano ka pa kaingat sa supplements o routine mo, kung araw-araw mo namang kinakain ang mga pagkain na nakakasama sa prostate, mahihirapan pa rin ang katawan mo mag-recover.

Kaya sa blog na ‘to, pag-uusapan natin ang Top 7 na pagkain na dapat mong bawasan o tuluyang iwasan para manatiling healthy ang prostate mo.

1. Processed Meats
          (hotdog, bacon, longganisa, ham, canned meats)

          Masarap, pero ‘di nakakaganda sa kalusugan ng lalaki.
          May mga kemikal na preservatives tulad ng nitrates na puwedeng mag-trigger ng pamamaga sa loob ng katawan — kasama na diyan ang prostate.

          Bakit iwasan?

          Nakakasanhi ng inflammation
          Wala masyadong nutrients
          Puwedeng mag-contribute sa prostate problems

2. Fried at Fast Food
          (fried chicken, burger, fries, chicharon)

          Sarap, pero kung palagi mong kinakain, siguradong may epekto.
          Ang mga ito ay puno ng unhealthy fat na nagpapabigat sa katawan at hormones mo.

          Bakit iwasan?

          Nakakapagpababa ng testosterone
          Puwedeng magdulot ng barado sa daluyan ng dugo
          Hindi maganda para sa kidney at bladder

3. Sobrang Gatas at Dairy
         (whole milk, keso, butter, full cream)

         Okay lang paminsan, pero kung sobra-sobra, delikado rin.
         May studies na nagsasabing puwede nitong mapabilis ang paglaki ng prostate.

         Bakit iwasan?

         Puwedeng makaapekto sa hormones
         Mataas sa saturated fat
         May koneksyon sa BPH (Benign Prostatic Hyperplasia)

4. Red Meat (lalo na kung madalas)
         (karne ng baka, baboy, lamb)

         Hindi naman bawal totally, pero kung araw-araw mong ulam, baka makaapekto sa prostate mo over time.

         Bakit iwasan?

          Mataas sa bad fats
          Nagdudulot ng inflammation
          Puwedeng mag-trigger ng hormonal imbalance

5. Alcohol
           (alak, beer, gin, etc.)

          ‘Di lang liver ang naaapektuhan, pati prostate.
          Lalo na kung gabi ka umiinom, tapos nagtataka ka kung bakit lagi kang gising para umihi.

          Bakit iwasan?

           Nakaka-irita sa bladder
           Nakaka-dehydrate
           Mas lalo kang naiihi sa gabi

6. Maanghang at Maasim na Pagkain
            (chili, suka-heavy dishes, spicy noodles)

            Puwede itong maging trigger ng iritasyon sa daanan ng ihi.
            Kung may existing ka nang prostate issues, mas lalo mong mararamdaman ang epekto.

            Bakit iwasan?

            Nagdudulot ng burning sensation sa pag-ihi
            Nakaka-trigger ng bladder irritation
            Nakakagulo sa flow ng ihi

7. Matatamis na Pagkain at Inumin
            (softdrinks, matatamis na kape, cake, candy, instant juice)

            Lakas maka-dagdag timbang at gulo sa hormones.
            Kapag mataas ang sugar intake mo, mas mataas din ang chance ng inflammation sa katawan — kasama na ang prostate area.

            Bakit iwasan?

            Walang nutrients
            Nakaka-addict, pero hindi nakakabusog
            Nagpapalala ng hormonal imbalance

Anong Puwede Mong Gawin?

             Hindi mo naman kailangang iwasan lahat biglaan. Pero kung nagsisimula ka nang makaramdam ng signs gaya ng:
            - Madalas na pag-ihi lalo na sa gabi
            - Mahina ang ihi
            - Parang may pressure sa puson

Baka ito na ang sign para mag-adjust ka ng diet mo at maghanap ng natural na suporta.

Try Spirulina For Men
Kung gusto mo ng supplement na pang-support sa prostate health, kidney function, at male energy, ito ang puwedeng makatulong.

May Spirulina, Pumpkin Seed Oil, Zinc, Rhodiola, Maca, at iba pa na kilalang tumutulong sa:
- Pagbawas ng inflammation
- Pag-improve ng daloy ng ihi
- Pag-boost ng male hormones at energy
- Pagtulong sa mas mahimbing na tulog

                               
       Hindi mo kailangang hintayin na lumala ang sitwasyon bago ka kumilos.
        Alagaan mo na habang maaga pa.
        Simulan sa pagkain, tuloy sa lifestyle, tapos dagdag ng tamang supplement.

             Para sa katawan mong lalaki, importante ang disiplina — pero mas importante ang pag-aalaga sa sarili.

Top 7 Foods to Avoid if you have Prostate Enlargement

Kahit gaano ka pa kaingat sa supplements o routine mo, kung araw-araw mo namang kinakain ang mga pagkain na nakakasama sa prostate, mahihirapan pa rin ang katawan mo mag-recover.